Uncategorized

OFWs Rules of Wealth No 1: Huwag Magpaloko

May tumawag sa akin at nagsabi: “kahit po pala dito sa abroad, marami pa din mga Pinoy na manloloko.” I advised him na hindi nababago ang tao dahil lang nakapag abroad na. Naloko pala siya ng isang matalik na kaibigan na halos yung kasabihan: “isusubo ko na lang po, ibibigay ko pa sa kanya.”

There are many OFWs who are victims of these false promises. Kesyo magtatayo daw ng isang karinderya, or piggery or bakery at kelangan lang ay kapital. But the problem is there is no legal contract kase nga ‘gentleman’s agreement’ lang ang naganap – tiwala lang ang nangyari.

The Rule No.1 is: huwag magpaloko. Syempre matatamis na mga dila at mga matataas na pangarap ang sasabihin nyan, pero once na nakuha ang perang pinagpawisan mo sa abroad, mawawala na yang parang bula…may mga alibis na yan na kesyo ganito ganyan: namatayan sila, naospital si ganoon at si ganito.

Pag pera na ang usapan, nasisira ang magandang samahan.

Kaya sa bawat pagpapahiram ng pera, kahit kamag-anak pa yan or kaibigan, mahalaga may kasunduan or ‘contract’. Kelan babayaran? Magkano interest? Anong mangyayari pag di nakabayad?

Marami ng mga magagandang samahan ang nasira dahil sa pera. Kaya minsan pag may nangungutang, unahan mo na agad:

I value our friendship kaya di kita pauutangin.

Pag nagalit yan dahil hindi mo napahiram or napagbigyan, nalaman mo na yon lang pala ang sukatan ng pagiging magkaibigan nyo. Ganoon din naman pala, magagalit din lang pala sya. Mabuti na lang hindi ka nagpautang.

Countless OFWs have lost their hard-earned money because of trusting wrong people.

Categories: Uncategorized

1 reply »

  1. Nagkasirasira kami ng pamilya ko sa pinas ( mother at mga kapatid) dahil lang sa pera. Ako na nga niloko nila, (mga pera na di na ibinalik sa akin at di ibinayad)ako pa ang pinagmukhang masama. Ako pa sasabihan na makapal ang mukha, demonyo, salot at makapal ang mukha dahil kinumpronta ko lang yong isang kapatid ko kung nasan ang mga pera.. Nawala ang mga ibang ipon ko dahil sa nagtiwala ako sa kanila na mismong mga pamilya ko ay di ako lolokohin. Ngaun ay di na talaga ako nagbibigay dahil kahit pinapakinabangan pa rin nila yong mga pera ko noon, kung magsalita sila ay wala daw ako naitutulong. Ngaun ay mas nakakapagipon na ako dahil wala na ako iniisip na mga kapamilya sa pinas. Mga malalaking puhunan ang ibinigay ko sa kanila at taxi ang binili ko para makatulong sa kanila.

    Like

Leave a comment