May tumawag sa akin at nagsabi: “kahit po pala dito sa abroad, marami pa din mga Pinoy na manloloko.” I advised him na hindi nababago ang tao dahil lang nakapag abroad na. Naloko pala siya ng isang matalik na kaibigan na halos yung kasabihan: “isusubo ko na lang po, ibibigay ko pa sa kanya.”

There are many OFWs who are victims of these false promises. Kesyo magtatayo daw ng isang karinderya, or piggery or bakery at kelangan lang ay kapital. But the problem is there is no legal contract kase nga ‘gentleman’s agreement’ lang ang naganap – tiwala lang ang nangyari.

The Rule No.1 is: huwag magpaloko. Syempre matatamis na mga dila at mga matataas na pangarap ang sasabihin nyan, pero once na nakuha ang perang pinagpawisan mo sa abroad, mawawala na yang parang bula…may mga alibis na yan na kesyo ganito ganyan: namatayan sila, naospital si ganoon at si ganito.

Pag pera na ang usapan, nasisira ang magandang samahan.

Kaya sa bawat pagpapahiram ng pera, kahit kamag-anak pa yan or kaibigan, mahalaga may kasunduan or ‘contract’. Kelan babayaran? Magkano interest? Anong mangyayari pag di nakabayad?

Marami ng mga magagandang samahan ang nasira dahil sa pera. Kaya minsan pag may nangungutang, unahan mo na agad:

I value our friendship kaya di kita pauutangin.

Pag nagalit yan dahil hindi mo napahiram or napagbigyan, nalaman mo na yon lang pala ang sukatan ng pagiging magkaibigan nyo. Ganoon din naman pala, magagalit din lang pala sya. Mabuti na lang hindi ka nagpautang.

Countless OFWs have lost their hard-earned money because of trusting wrong people.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s