Ni sa isip ay huwag susumpain ang inyong hari, ni sa pag-iisa’y huwag hamakin ang mayayaman pagkat may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. – Mangagaral 10:20
Mapapansin mo ang mga barko, hindi umaalis yan ng pier kapag may malakas na alon o bagyo. Ang mga eroplano nagka-cancel ng flights kapag malakas ang hangin. Lesson to be learned: bakit mo kelangan bumangga sa mga pwersa na alam mong mas malakas sa iyo at wala kang kalaban-laban?
Isa sa mga mataas na marka ng matalinong tao ay ang pagkakaroon ng karunungan. In the Book of Acts 27:14-15: “Ngunit di nagtagal, bumugso mula sa pulo ang isang malakas na hangin na tinatawag na Hanging Hilagang-silangan. Hinampas nito ang barko, at dahil hindi kami makasalungat, nagpatangay na lamang kami sa hangin.”
Maraming tao ang sumasalungat sa magandang daloy ng buhay. Sila mismo ang gumagawa ng mga problema dapat sana ay smooth-sailing lang. Gagawa ng mga isyu na hindi naman kayang panindigan. Wala na ngang pera, inum pa ng inum ng alak, tapos pag nagkasakit, lahat ng miyembro ng pamilya, kelangan mag-ambag para lang maipagamot. What we need to learn is to go with the flow of living a good life so that we do not have to fight the powerful force. Ayaw mo palang magkasakit, dapat alagaan mo ang katawan mo at huwag itong abusuhin.
In the Book of Acts 27:13: “Umihip nang marahan ang hangin buhat sa timog kaya’t inakala nilang maaari na silang umalis. Isinampa nila ang angkla at sila’y namaybay sa Creta.” Ang mga anak ng Diyos dapat gumagalang at sumusunod kahit sa batas ng kalikasan. Dapat may timing din ang buhay. Kahit ma-prinsipyo ka pero wala ka sa tamang lugar at panahon, hindi magiging maganda ang resulta nyan.
Learn to make peace with power over you. Iwasan mamuhay na palagi kang palaban sa mga mas nakakataas sa iyo. What will you get from fighting your parents or your elderlies? Anong mapapala mo na kalabanin iyong mga tao na nakatulong sa iyo? Kung ikaw ay may tindahan, anong mapapala mo sa paglaban sa mga customers mo kahit alam mo na sila naman talaga ang lifeblood ng business mo. Know which battle to fight.
Kung ang may kapangyarihan ay kalaban mo, gagamitin nila ang kanilang lakas para pabagsakin ka. Ngunit kung kakampi mo sila, gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan para tulungan ka. Just be wise and use power to your advantage.
In the Book of Romans 13:3-5, “Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila’y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila’y may kapangyarihang magparusa. Sila’y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.”
Kaya kelangan nating sumunod sa batas or regulasyon. Kung papasok ka sa isang kumpanya or school, sundin ang mga policies para hindi ka mapahamak or matanggal. Bakit ka babanga sa mga bagay na hindi mo naman kayang itumba?
Ganoon din sa Lord, wala kang panalo sa pinaka mataas na kapangyarihan, ang Diyos. Sinuman ang kumakalaban sa forces of the Almighty God will surely suffer defeat. Bakit ka naman kakalaban sa Panginoon? The Bible says: “There is no one like You.” Alam mo ba ang peace ay directly proportionate to our relationship with God. Pag kakampi mo ang langit sa buhay mo, magkakaroon ka ng mapayapang buhay.
Categories: Home, Inspirations