Home

Abusive partner to their foreign spouse: “pag di ka sumunod, ipapa-deport kita!”

May mga Forms ang UK Immigration Office upang i-report kung ang isang relationship or marriage ay nag breakdown na. Pero ano ba ang nakikita ng marami na hindi magandang dulot ng mga Forms na ito?

Napakaraming mga Filipina ang nagtitiis na manatili sa United Kingdom kahit inaabuso, inaapi at tinatakot ng kanilang mga asawa na ipapa-deport sila pag hindi sila sumunod.

Available and forms na ito sa gov.uk website na may layuning tumulong sa immigration department to identify illegal immigrant easier.

Kapag nag-away ang mag-asawa or mag-partner, ang isa ay “family dependant” sa may papel, may pananakot agad ang may papel kay Ate Filipina (usually kase babae pero pwede din sa lalake), pag di ka tumino, ipapa-deport kita! E sa takot na lang ni Ate Filipina, nagiging ok na lang sa kanya kahit bugbogin sya at gawan ng hindi maganda. Marami sa mga Filipino matiisin – pero madalas walang nakakaalam nyan sa Pilipinas dahil syempre ang alam nila ok lahat sa UK.

Sinasabi ng gov.uk na kelangan mai-report kaagad sa Immigration Office kung hindi na sila nagsasama or nag breakdown na ang kanilang relationship. Eto ang masaklap, kahit abusado na ang may mali at may sala, pero ayaw na nya na makasama si Ate Filipina na dumating sa UK as a family dependent or under a spouse visa, tapos na din ang maliligayang araw ni Ate Filipina. Hindi na itatanong ng Immigration kung bakit. Hawak ng may papel sa leeg si Ate Filipina.

Masakit at masaklap isipin pero ito ang nagiging impact ng Forms na ito na maaaring gamiting ng mga abusadong may papel upang ma-control si Ate Filipina na gawin ang mga bagay na labag sa kanyang kalooban.

The Form says: ‘I do not live with them and that I do not intend to live with them as my spouse or partner in the future.’

Pwede gamitin ang mga Forms na ito for both marriages and civil partnerships.

Currently, ang mga nasa spouse and partner visa can stay in the UK as long as the relationship is “ok” pero kapag hindi na, yari kang bata ka – they may face deportation if their relationship ends.

#pinoyukimmigrationexpert
#UKVisaImmigration4Filipinos

Categories: Home

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s