Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan. – John 16:33
Tayo ay maaaring i-discourage or pahinain ng daigdig na ito upang hindi natin makita or maabot ang mga plano ng Diyos sa ating buhay. Sinabi ng ating Bible verse today na:
“laksan ninyo ang [inyong] loob”
in English it was said: “be of good cheer” – to take courage and be filled with joy!
Minsan nalulungkot tayo dahil ating ikinukumpara ang ating buhay sa mga picture-perfect sa social media (facebook, instagram, youtube etc) dahil parang hindi tayo gaya nila. Ang ating pamilya ay maraming imperfections dahil sa away at galit, at marahil ay broken family or dysfunctional pa nga siguro. Kung gayon, tama ang sabi ng Panginoong Hesus, “laksan ninyo ang inyong loob”. Kasama natin ang Diyos.
Hindi dahilan sa Diyos upang hindi mahalin ang mga imperpektong pamilya. Sa katotohanan nga, Siya mismo ay galing sa dysfunctional family dahil hindi naman Niya talaga biological father si Joseph at si Hesus ay anak sa pagka-dalaga ni Maria. Sinong maniniwala kay Maria na si Hesus ay Anak ng Diyos na Makapangyarihan. Paano ito ipapaliwanag sa mga tao. Di ba parang hindi kapani-paniwala?
Sa ating Bible ay palaging binabangit na: “He is the God of Abraham, Isaac, Jacob and Judah. Si Abraham mismo ay nagkaroon pa ng isang anak sa “ibang babae” – sablay siya dito. Si Isaac at Rebecca ay may mga paborito sa mga anak nila kaya nagkaroon ng away at gulo ang magkapatid sa loob ng napakaraming taon – sablay din. Si Jacob na may 11 na anak ang nagbenta kay Jose sa pagiging alipin – sablay na naman. Si Judah ay nakisiping sa kanyang manugang (daughter-in-law) dahil akala niya na siya ay patotot (prostitute) – sablay ulet.
Maraming sablay sa buhay ng mga taong ito, ngunit hindi iyon naging dahilan sa Diyos upang sa lipi ni Abraham, Isaac, Jacob and Judah magmumula ang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesus. So, be encouraged! Ang ating Diyos na perpekto ay gagawa ng dakilang bagay upang ang mga kabiguan ay gamitin ng Panginoon para sa ating ikabubuti.
Prayer:
May the Lord bless you and keep you. May the Lord make His face to shine upon you and be gracious unto you and give you His peace. May the Word of God be planted in the broken ground of your family to produce a future harvest much greater than any pain in your past.
Today’s Bible Reading:
Old Testament
New Testament
Psalms & Proverbs
Categories: Home, Inspirations, Uncategorized