Home

Ako at ang aking sangbahayan ay maglilingkod sa Panginoon.

At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni’t sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.  –Joshua 24:15

Sinabi ni Joshua sa bayang Israel to “Serve the Lord!” pero nagpaalala din siya na nasa kanila ang pagpapasya.

Pero bago sila magdesisyon ay ipinaalala ni Joshua sa kanila ang Diyos na kanyang pinaglingkuran. Siya ang humawi ng Dagat na Pula (Red Sea) upang sila ay makatawid sa tuyong lupa – at matapos ay nilamon ng dagat ang mga Ehipsyo. Ang Panginoon ang gumabay sa kanila sa pamamagitan ng haliging ulap sa araw at haliging apoy sa gabi. Noong sila ay magutom ay nagpadala ang Diyos ng mga ibon mula sa langit. Noong sila ay mauhaw, ay bumukal ang tubig sa isang bato. Ang Diyos ang nagpaguho ng matayog na pader ng Jericho upang sila ay magtagumpay laban sa kaaway.

Paano hindi gaganda na maglingkod sa ganitong klaseng Diyos? Pero binigyan pa rin niya sila ng pagkakataon upang mamili (asked to choose).

Ang pamimili (choice) na iyo ay nasa atin ngayon. Ang Diyos na Ito ay lubos na nagmahal sa iyo na yong kaisa-isahang Anak Niya ay namatay alang-alang sa iyo para ikaw ay mabuhay. Pinagtiisan Niya ang hagupit ng mga latigo at mga latay upang ikaw ay makalaya at magkaroon ng kumpletong kagalingan sa mga sakit at hapdi ng buhay. Kung wala ka, ay binubuksan Niya ang bintana ng langit upang ibuhos sa iyo ang mga pagpapala na higit sa iyong hinihingi at walang sapat na silid na lalagyan.

Now, kanino ka maglilingkod? Nasa iyo ang desisyon!

Blessing: 

May the Lord bless you and keep you. May the Lord make His face to shine upon you and be gracious unto you and give you His peace. Choose to surrender to His purposes and walk in agreement with His Word. Choose love. Choose life!

Today’s Bible Reading: 

Old Testament

1 Samuel 11:1-13:23

New Testament 

John 7:1-30

Psalms & Proverbs

Psalm 108:1-13

Proverbs 15:4

Leave a Reply