19Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanansa lupa, na dito’y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito’y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
20Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw – Matthew 6:19-20
Minsan nagpunta sa isang grocery store at nakita ko ang mga tao na ang dami-dami nilang binibiling toilet papers. Nasabi ko na lang sa sarili ko na hindi naman pandemic ang diarrhea bakit kelangan ng sobrang dami tissues!
Jesus encouraged us to stockpile treasures in heaven na doon sa langit ay walang uod (moth) na kakain at sisira nito at hindi mananakaw ninuman. Alam ni Hesus na kung nasaan ang ating yaman ay nandoon din ang ating puso.
Sa loob ng maraming panahon, napakalaki ng ipinagbago ng ating bansa. Maraming mga magulang ang naging business-oriented at career-oriented na walang panahon sa pagkakaroon ng Godly home. Maraming ama at ina ang naging tutok sa trabaho na halos wala ng panahon subaybayan ang kanilang mga anak. Kahit linggo ay ginagawang ‘holiday’ sa halip na ‘Holy Day’ para sa Diyos.
In the Old testament, nagkaroon si Joshua ng isang declaration sa bayang Israel:
“…choose for yourselves this day whom you will serve, but as for me and my house we will serve the Lord.”
Kaya mo bang gawin din ang ginawa ni Joshua? Hahanapin ba natin ang mga materyal na bagay na makalupa or ang mga bagay na makalangit? Ang lahat ng narito sa lupa ay lilipas ngunit ang mga para sa langit ay mananatili magpa kailan man.
Mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit.
Panalangin:
May the Lord bless you and keep you. May the Lord make His face to shine upon you and be gracious unto you and give you His peace. May Jesus Christ reign in your home. Spread His love heart-to-heart and home-to-home until His glory floods the earth.
Today’s Bible Reading:
Old Testament
New Testament
Psalms & Proverbs
Categories: Home, Inspirations, Uncategorized