Dahil ngayon ay araw ng mga Ina, ating parangalan ang mga kababaihan ng ating buhay! Kayo man ay isang nanay or anak, isang asawa or single, or a stay-at-home mom, or a career woman, tandaan ninyo na kayo ay napakahalaga sa paningin ng Diyos at kahanga-hangang nilikha Niya.
Maraming mga pagkakataon sa Bibliya na naging frontliners ang mga babae. Ang magaling at matalinong si Abigail ang nagligtas sa kanyang asawa. Ang matapang na si Esther ang nagligtas sa lahat ng mga Hudyo noon na muntik ng mamatay lahat. Si Deborah – isang propeta, poet at mandirigma – ay naging judge ng bayang Israel.
Sa Bagong Tipan naman ay nandoon si Anna, isang propeta, na naglingkod din sa Diyos ng walang pagkapagod sa Templo. Si Lydia ang kauna-unahang successful businesswoman na naging Christian sa Europe noon. Ipinagkatiwala ni Pablo kay Phoebe, isang deaconess ng iglesya sa Cenchrea, na ihatid ang kanyang liham sa mga taga Roma.
Si Hesus mismo ang nagsabi ng kahalagahan ng mga babae. Pinagaling ng Panginoong Hesus ang isang babaeng inaagasan ng dugo at ang anak na babae ni Jairus na akala ng maraming patay na. Ipinagtangol ng Panginoon at nagalit sa mga taong umalipusta kay Maria na nagbuhos ng pabango sa paanan ni Hesus. Pinalaya ni Hesus si Magdalena na inalihan ng pitong demonyo pero binago ng Lord ang kanyang buhay. Inihabilin ng Panginoon ang Kanyang nanay na si Maria kay John.
Sa araw na ito ay ating ipinagdiriwang ang dignidad, karunungan, katangian ng mga kababaihan na naging bahagi ng ating buhay. Tayo ay tatayo upang pagpapalain sila. Sa mga salita ni Haring Solomon, “You are altogether beautiful…” (Song of Songs 4:7)
Prayer:
May the Lord bless you and keep you. May the Lord make His face shine upon you and be gracious unto you and give you His peace. May every daughter of the Most High experience the smile of her Father today. Walk in His favor and light. In Jesus’ name, Amen.
Today’s Bible Reading:
Old Testament
New Testament
Psalms & Proverbs
Categories: Home, Inspirations, Uncategorized