Kung mahal tayo ng Diyos, kelangan din nating mahalin at unawain ang bawat isa. – 1 John 4:11
Ang pagkakaroon ng Covid-19 outbreak sa buong mundo ay nagbigay sa atin ng pagkakataon na malaman kung ano ba talaga ang ating pinapahalagahan at priorities sa buhay.
Marami ang naging career-oriented masyado, nakalimot sa Diyos, pero tingnan mo ngayon walang laman ang mga opisina kundi mga upuaan lang at mga computers. Ang mga tao na focus sa sports at concerts – nawala na ang mga sigawan, palakpakan at kantahan.
Lahat ng appointments have been cancelled, at malinis ngayon ang kalendaryo – walang rush – hindi na nagmamadali. Marahil sa napakaraming taon, ngayon lamang muli nagkasama-sama ang buong pamilya na parang bumabawi tayo sa mga panahon hindi tayo nagka bonding. Pero atin bang ipinag pray mga mahal natin sa buhay, ang ating bansa at ang ating mga leaders?
Alam natin na ang mga matatanda ay madaling dapuan ng virus, naaalala ulit natin ang ating mga magulang, mga lolo at lola at mga matatandang kamag-anak. Naging concern ulet tayo sa kanila kahit hindi na tayo nakakatawag sa kanila ng madalas because of our commitments. But now, we are honoring our parents again!
Bagama’t malayo tayo sa isa’t-isa dahil sa social distancing, pero naging malapit naman tayo bilang katawan ni Kristo na magkaisa at ang ilan nga ay meron pa rin ‘online Bible Study and Sunday Service’ – at lalo tayong mas malapit sa isa’t-isa. Kelangan natin maipakita ngayon ang pagkakaisa sa Panginoon, iisang pananampalataya, iisang bautismo, iisang katawan, at iisang Espirito sa iisang pag-asa (Ephesians 4:3-4) – faith with action.
Ang ating layunin ay mahalin lalo ang Panginoon at mangalaga at umunawa sa bawat isa dahil yan ang gusto ng ating Amang nasa langit!
Blessing:
May the Lord bless you and keep you. May the Lord make His face to shine upon you and be gracious unto you and give you His peace. May God bring an abundant harvest as you continue to sow and do, reach and teach, listen, and love to the glory of our Father.
Categories: Home, Inspirations, Uncategorized