Home

Kapanatagan ng ating puso at kaisipan

Mga Awit 119:89: “Ang salita mo, O Panginoon, di kukupas walang hanggan, matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.”

Saan tayo pupunta sa panahon ngayon at sa ganitong pagkakataon? Parang nawala na ang normal na buhay na dati nating nakasanayan?

Bagamat maraming nawawalan ng pag-asa at para wala ng katiyakan ang daigdig, alam natin na bilang mga anak ng Diyos, sa Salita ng Panginoon lamang tayo sasanguni. Sa bawat pahina ng Bibliya ay makikita natin ang pangako ng Diyos na magbibigay sa atin ng peace of mind para maging kalmado tayo. The Word of God replaces fear and it reminds us how good our God is who made a promise that He will be with us until the end of the time.

Alam natin na ang Panginoon ay nakaupo sa Kanyang trono at alam Niya ang ating mga nais. Sinabi ng Lord na kanyang pupunan ang ating mga pangangailangan (Filipos 4:19). At Kanyang ibibigay ang mga dakilang bagay sa atin ng higit sa ating inaasahan. (Ephesians 3:20).

Alam din natin na tayo ay ipagtatangol ng Panginoon. Ipinadadala Niya ang Kanyang mga anghel para samahan tayo sa ating mga lakad. Walang gawa ng kaaway ang lalapit sa atin, walang salot ang makakapasok sa ating mga tahanan dahil ang Panginoon ang ating kakampi at kalasag (Awit 91).

Ang Kanyang kabutihan at biyaya ay sasa atin magpakailan man. His goodness and mercy will follow all the days of our lives (Awit 23). Hayaan mong matatag din sa iyong puso ang mga Salita ng Diyos!

Today’s Bible Reading:

Old Testament:

Judges 19:1 – 20:48

New Testament:

John 3:23 – 4:3

1 reply »

Leave a Reply