“…kayo’y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka’t siya’y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.” – Joel 2:13
May isang lalaking matagal na nakulong sa Bilibid Prison at sa galit ng kanyang ama, alam ng lalaki na hindi kelan man sya mapapatawad ng kanyang magulang.
Sumulat siya sa kanyang ina at sinabi na malapit na syang makalaya. Sinabi nya sa liham:
“Inay, tapos na ho ang aking sentensya. Lalabas na ako sa kulungan sa susunod na linggo. Alam kong malaking kahihiyan ang ibinigay ko sa inyo at sa ating pamilya. Hindi ko na po inaasahan na mapapatawad nyo pa ako. Susubukan ko pa din ho na umuwi sa atin pero kung sa pagdating ko sa atin ay makita kong nagtali kayo ng pulang ribbon sa ating gate ibig sabihin, pinatatawad nyo na po ako at pwede akong pumasok sa bahay natin. Ngunit pag wala ho akong nakita pulang ribbon, hindi na ho ako magpapakita sa inyo kelanman.”
Habang sakay ang lalaki sya sa tricycle, sobrang kaba ng kanyang dibdib. Nakapikit sya at itinanong sa driver: “May nakikita po ba kayong isang pulang ribbon sa tapat ng gate namin?” sabi ng lalaki.
Sumagot ang driver: “Ang nakikita ko ay hindi iisang pulang ribbon kundi mula sa kanto hanggang sa bahay ninyo ay puro pulang ribbon ang nakatali sa lahat ng mga gate. Ano ba ang meron sa lugar na ito?”
Bumaba ang lalaki at lumulundag sa galak at sinabi niya: “I am home.” Masaya siyang sinalubong siya ng kanyang mga magulang at mga kapatid. They all said: “Kuya, welcome home. Miss ka na namin.”
Categories: Home, Inspirations, Uncategorized