I know someone who arrived London as a tourist but decided to be “TNT”. Mahirap sila noon sa Pilipinas kaya noong nakatikim ng medyo malaking kita, nagpapadala sya ng halos P100,000 a month sa family nya. Maraming mga kapitbahay nila ang humanga dahil gumanda ang buhay nila. Ayon nagkaroon ang mga anak nya ng latest smart phones, new shoes, new watches at magagarang damit. Palaging nasa mga masasarap na kainan: Jollibee dito, Mcdo doon, Starbucks dito, pacoffee-coffee doon. Nag deposit agad sila ng isang bahay sa isang subdivision at isang magandang kotse. One day, nadakip si OFW at napauwi ng wala sa oras, lahat ng luho ng kanyang pamilya nahinto at lahat ng kanilang mga gadgets naibenta ng wala sa panahon otherwise wala na sila kakainin at naremata ang kanilang bahay at kotse na hinihulugan sa bangko.
Maraming Pinoy ang nakaka relate dito. Bagamat hindi natin sinasabi na huwag mag enjoy sa buhay but be mindful sa pera dahil hindi araw-araw malakas tayo. It is our responsibility to remind our family to value the money you are sending them. Ang dahilan kaya maraming mga OFWs ang umuuwing lumuluha dahil wala silang pera madadala. Hindi sila nakaipon at iyong kanilang mga pamilya sa Pinas hindi rin nakaipon kase akala nila palaging malakas ang pagkita.
The Bible is clear: “people are destroyed because they lack knowledge…” Maraming tao ang kulang sa karunungan, kasama na dito ang kawalan ng karunungan sa pananalapi. Dumadaan na lang sa palad ang pera ngunit hindi man lang nae-enjoy ito.
We need to be financially literate as times fly so fast dahil napakabilis ng panahon. When I say to be ‘financially literate’ does not mean you need to study accountancy or masteral degree in business. Kelangan lang maging matalino sa paghawak ng ating mga kinikita. Dahil hindi mo namamalayan, ilang taon na pala ang lumipas, ito na at naglalabasan na ang iyong mga uban sa buhok, ang iyong balat ay puro kalyo na sa kaka trabaho, at medyo madali ka ng mapagod, may mga kumikirot na sa katawan at palaging nahihilo. Sign of aging. Kung hindi tayo magiging marunong sa pera, tatanda tayong dukha at kawawa. Babalikan mo na lang ang mga taon na iyong ipinag trabaho sa abroad, maganda ang kita noon ngunit dahil naging busayak tayo (or ang pamilya natin) sa mga biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, nawala na parang bula. Yon ang masakit na katotohanan. Na habang ang iyong mga kasabayan noon sa abroad, ngayon sila ay namamahinga na at pa holi-holiday na lang, pero ikaw ay kelangan maghanap ng mapapagkakitaan para lang makaraos at kumain araw-araw.
Eto pa ang masakit sa buhay ng OFW, mabango ka lang hanggang may pera ka. But the moment you don’t have anything to give, it is possible that some of your friends and even family members (sad but true), will no longer have time to care for you. Yon ang masaklap. Kaya kung ako sa inyo, mag iipon ako para sa pagtanda ko. Nobody is responsible for my future and retirement, but myself. Kung hindi ako, sino? Sino ang magsisikap para sa akin? Kung hindi ngayon, kelan pa? Kelan pa ako magsisimula maging masinop sa mga blessings na meron ako ngayon? Kelan pa ako magsisimula mag-ipon, mag-invest, sumubok ng ibang paraan para palaguin ang aking pera. Tandaan mo, kahit magkano ang iyong ipadala, palaging kulang ang pera. Hindi kelan man magkakasya yan!
Now, I am encouraging you to start being wise with regards to money, otherwise baka makasama ka doon sa mga OFW na umuuwing lumuluha dahil umalis ng wala, bumalik sa Pinas after years of working abroad na wala pa rin.
The wealth of the rich is their fortress; the poverty of the poor is their destruction. -Proverbs 10:15 NLT
Or are you returning with great expectation that all your hard works and sacrifices paid off? Yes, nagpakahirap pero may disiplina, umiyak pero naging marunong. If you do, you will be enjoying the rest of your remaining years with confidence and quality, knowing that you are financially stable, your family are secured dahil you know na kahit matanda ka na, kupas ka na, lipas na sa panahon at kahit lumisan ka sa mundo, naihanda mo na ang kinabukasan nila.
Categories: Uncategorized