There was a quote I read that says: “Family is an anchor during rough water”. Ang pamilya natin ang ating fortress from any attacks of the enemy. Let our children and loved ones be safe and secured once they are home. Let them know that you are there for them and are ready to defend and protect. Don’t hurt our family but love them and care for them. Let them know that home is their safe haven. Tama na ang turuan at sisihan. Tandaan natin, ang kahihiyan nila, ang baho nila, kahihiyan at baho mo din. Wala tayo magagawa, siya ang itinakda sa atin para maging pamilya natin.
I was watching a documentary about the penguins who can withstand the extreme cold weather condition. Sobrang lamig pero itong mga penguins they survive. Then I found out that it is because they huddle together with their family to keep warm. In the same way, ganyan din ang tao, nagiging malakas lang naman tayo dahil may pamilya tayo who are ready stand bydby us, help us, assist us and to even sacrifice for us. Do not forget them who were there for you just for you to be there wherever you are right now.
Kahit anong success ng isang tao, but money and success mean nothing if we let our family fails. Meron akong kilalang sikat na politiko, pero hanggang ngayon hinahayaan nya pa din ang nanay nya nagtitinda sa palengke. Hindi man lang nya magawan ng paraan na maiangat ng konte ang antas ng kanilang pamumuhay.
Sa maraming tao na aking nakausap na at naturuan, I always remind them to make their family as their top priority. Nothing should come first, other than God of course, than our family. Kung nakakatulong tayo sa iba, mas maging matulungin tayo sa ating mga pamilya. I saw a sign that says: Friend, Boyfriend, Girlfriend have those ‘end’ but a family is forever. Lagi kung sinasabi na ang tulong ng iba ay laging may hangganan at limitasyon, ngunit ang pamilya kelanman nandiyan sila para sa iyo. They will always choose to love you and understand you even when you are no longer loveable and believe in you even when you don’t even believe in yourself.
Also, don’t be too busy that you forget to enjoy your kids and your spouse. Sila ang dahilan bakit tayo nagsisikap sa buhay. Otherwise, bakit pa? Para saan ba itong pagpapakamatay natin sa pagtatrabaho, di ba para sa kanila ito? Pero kung wala ka pa ring time para sa kanila dahil sobrang busy ka, maybe you have to re-evaluate your priorities. I encourage you to see you children grow up, be a part of their upbringing, play with them, laugh with them, give them a bath, brush their teeth, take them or pick them up from school, read books for them, be there for them. Because one day, they will leave home dahil magsisilakihan na sila. Samantalahin mo hanggat bata pa sila, pag medyo tumanda na yan, baka ikaw na mismo ang magmamakaawa sa kanila na bigyan ka ng panahon or dalawin ka. We as parents must sow a seed of loving care to our children, when we grow old, they may also pay us back by looking after us as well. Alam ng mga bata kung paano tayo nagsikap at nagpakahirap para sa kanila, kahit buhay nila kaya nilang ibigay para sa atin dahil ibinabalik nila ang mga nagawa natin sa kanila.
May mga tao na may panahon sa barkada pero walang panahon sa pamilya. Mas gusto pa kasama sa saya ang ibang tao kesa sa pamilya. Yung iba pa, madamot sa pamilya, pero pagdating sa iba napakabait, matulungin at palabigay. Pero noong nagkaroon sya ng malaking problema at nagkasakit, wala naman yong mga kaibigan nya pero yung pamilya nya andun para alalayan sya habang nagpapalakas sya. Tandaan mo, sa ibang tao ikaw ay ibang tao, pero sa pamilya mo, ikaw ang pinakamahalagang tao para sa kanila. Mag-away man kayo, magbangayan, magtalo, pero sa huli kayo ay pamilya at mananatili ang pagmamahal sa isat-isa. Family is everything.
Categories: Uncategorized