When I was in elementary school, ako ay may tinatapos na isang school project and I knew I needed assistance from my father. Nahihiya ako mag-ask ng tulong sa kanya dahil kita ko na talagang busy din siya. Baka kase magalit siya or mapahiya lang ako, kaya hindi na lang ako nagpatulong.
Sa aklat ng Mateo 8:1-4, ay may isang lalaki na may ketong at hindi siya nawalan ng pag-asa na humingi ng tulong kay Hesus. Kita man niya na abala ang Panginoon ngunit hindi siya nag atubili na lumapit upang magpatulong.
Nang lapitan ng lalaking may ketong ang Panginoong Hesus sinamba niya si Hesus. Lumapit siyang nagtitiwala na gagaling siya dahil alam niya ang taglay na kapangyarihan ng Diyos. Sinabi ng lalaki: “Panginoon, kung gusto Nyo po, mapagaling Nyo ako para maituring akong malinis.” Naawa si Hesus sa kanya, hinawakan siya at pinagaling.
Like this man with leprosy, wag din tayong mahiya humingi ng tulong sa Diyos. Basta lumapit tayo sa kanya ng may kababaan at pagsamba, makakaasa tayo na ibibigay Niya ang ating mga kahilingan. Hindi ka mapapahiya kay Hesus. Sinabi nga sa Hebreo 4:16: “Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Diyos.”
Categories: Uncategorized