Home

Home Office Maaaring I-exempt ang 1.6 Million Migrants sa 10-Year ILR Rule, Ayon sa Report ng The Times

May magandang balita para sa maraming migrants sa UK. Ayon sa ulat ng The Times, pinag-iisipan ngayon ng Home Office na huwag isama sa bagong 10-year ILR rule ang humigit-kumulang 1.6 million migrants na dumating sa UK mula 2021 pataas.

Kung matuloy ito, maaari pa rin nilang sundin ang kasalukuyang 5-year route patungo sa Indefinite Leave to Remain (ILR). Gayunpaman, maaaring kailanganin nilang maghintay pa ng ilang taon bago sila maging kwalipikado sa ilang government benefits.

Ano ang Iminumungkahi?

Sa ilalim ng immigration reforms na isinusulong ng Home Secretary na si Shabana Mahmood, ang karaniwang qualifying period para sa ILR ay maaaring madoble mula 5 taon at maging 10 taon.

Ang ILR ang nagbibigay sa isang tao ng karapatang:

  • Manirahan nang permanente sa UK
  • Magtrabaho sa UK nang walang immigration restrictions
  • Mag-aral sa UK
  • At ito rin ang karaniwang hakbang bago mag-apply para sa British Citizenship.

Bakit Kontrobersyal Ito?

Isa sa pinakamalaking isyu ay ang tinatawag na retrospective application.

Ibig sabihin, kahit ang mga taong nasa UK na at pumasok dito na umaasang makakapag-ILR pagkatapos ng limang taon, maaari pa ring maapektuhan ng bagong 10-year rule.

Marami ang nagsasabing hindi ito patas dahil iba ang immigration rules noong sila ay dumating sa UK.

Ano ang Posibleng Kompromiso?

Ayon sa ulat ng The Times, may ilang options na pinag-aaralan ang Home Office upang mabawasan ang epekto nito.

Isa sa mga proposal ay:

• Ang mga migrants na dumating sa UK mula 2021 onwards ay maaari pa ring mag-qualify para sa ILR pagkatapos ng 5 taon.

Ngunit…

Pagkatapos makakuha ng ILR, kailangan pa nilang maghintay ng karagdagang 3 hanggang 4 na taon bago sila makapag-claim ng ilang public benefits gaya ng:

  • Universal Credit
  • Housing Support
  • Disability Benefits

Ayon din sa report, maaaring maging applicable ang waiting period na ito kahit sa ilang refugees.

Isang government source ang nagsabi:

“Ang pinaka-issue talaga ay tungkol sa benefits. Maaari silang payagang makakuha ng ILR after five years, pero hindi muna sila makaka-claim ng benefits hanggang makalipas pa ang tatlo o apat na taon.”

Sino ang Tinatawag na “Boriswave”?

Ang grupong ito ay tumutukoy sa malaking bilang ng foreign workers at kanilang mga pamilya na dumating sa UK matapos ipatupad ang post-Brexit immigration system noong panahon ni Boris Johnson.

May Posible Ring Exemption para sa Care Workers

Ayon pa sa report, pinag-aaralan din ng Home Office ang posibilidad na i-exempt ang mahigit 600,000 foreign care workers mula sa proposed 10-year ILR requirement.

Ano ang Nangyayari sa Politika?

Ayon sa ulat, si Andy Burnham ay inaasahang magiging Prime Minister sa 20 July.

Iniulat din ng The Times na pinuna niya ang retrospective application ng 10-year rule at sinabi niyang hindi ito patas, kahit sinusuportahan niya ang mas malawak na immigration reforms.

Halos 80 Labour MPs din ang lumagda sa isang liham na humihiling na alisin ang retrospective element ng proposal.

Ano ang Ibig Sabihin Nito Para sa Iyo?

Mahalagang tandaan na wala pang opisyal na pagbabago sa immigration rules.

Ang lahat ng ito ay mga proposal pa lamang na pinag-uusapan ng gobyerno.

Ayon sa The Times, inaasahang ilalabas ang final changes sa Autumn sa pamamagitan ng amendments sa Immigration Rules, at hindi na kinakailangang dumaan sa botohan ng Parliament.

Kung ikaw ay dumating sa UK noong 2021 o pagkatapos nito gamit ang visa tulad ng Skilled Worker Visa, posible na mapanatili ang iyong 5-year route to settlement, ngunit wala pang kasiguruhan hangga’t hindi inilalabas ng Home Office ang pinal na immigration rules.

Ang Aming Payo

Huwag munang mag-panic o gumawa ng agarang desisyon base lamang sa mga lumalabas na balita.

Mas mabuting:

  • Panatilihing valid ang iyong immigration status.
  • Kumpletuhin at ingatan ang lahat ng iyong immigration documents.
  • Humingi ng tamang legal advice bago gumawa ng anumang hakbang.

Kung nais mong malaman kung paano maaaring makaapekto ang mga proposed changes na ito sa iyong visa, ILR application, o sa iyong pamilya, makipag-ugnayan sa Magsino Solicitors.

Ang aming team ay handang tumulong sa:

  • Skilled Worker visas
  • ILR applications
  • Visa extensions
  • British Citizenship
  • Long-term immigration planning

Makipag-book ng consultation ngayon upang mapag-usapan ang iyong sitwasyon.

Disclaimer:

Ang artikulong ito ay batay sa ulat ni Matt Dathan, “Home Office may relax immigration reforms for Andy Burnham,” na inilathala ng The Times noong 13 July 2026. Ang impormasyong ito ay para lamang sa pangkalahatang impormasyon at hindi legal advice. Ang mga nabanggit ay mga proposal pa lamang at hindi pa batas o opisyal na immigration rules. Maaaring magbago ang mga ito anumang oras. Ang bawat immigration case ay may kanya-kanyang sitwasyon, kaya mahalagang humingi ng independent legal advice bago gumawa ng anumang desisyon. Magsino Solicitors ay nagbibigay ng legal advice batay sa partikular na kalagayan ng bawat kliyente.

Leave a comment