Home

You are beautiful just the way you are.

I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well. – Psalm 139:14

Tayo daw ay ginawang larawan at wangis ng Diyos. So, dapat hindi natin dapat pabababain ang tingin natin sa ating mga sarili. The Bible also confirms that we are ‘fearfully’ or carefully and wondefully made by God. Hindi nagkamali ang Diyos sa paglikha sa iyo. You are the exact size, the exact representation of His creation.

Minsan ang problema ng marami ay meron silang ideal na maganda at sexy.

Ang goal weight ko ay 50 kilos.

Ang ideal waistline ko ay 26.

Bagamat hindi masama ang mangarap or magpantasya na mas gumanda ang ating mga katawan pero hindi dapat ito maging paraan para maging inferior tayo sa iba. Paano kung hindi mo maabot ang ganyan goals mo? E di palagi kang malungkot. You may not know it pero sila mang magaganda at sexy ay mga insecurities pa din. May nabasa ako na naka base ang ganda sa kabataan or edad. Kahit anong gawin natin darating at darating ang panahon na lalaylay na talaga “soggy” ang skin natin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan natin.

But for me, don’t worry about your weight or your beauty, basta maging maayos at malinis ang ating pananamit, practice good grooming and personal hygiene, that will be enough. Hindi natin kelangan maging parang ramp model to please others. Dress up because your body deserves a good clothing. Focus on your life ahead. Ano ang kelangan mong gawin ngayon para mas maging maganda ang buhay in the future.

Don’t allow other people’s negativity bring you down. There are more things to life than beauty. Maganda ka sa paningin ng Diyos.  You have to feel good about yourself. You are unique. You are special. Be confident. No one else is like you. You have been created with a potential. Discover it. Use it. Show the world what you’ve got.

Leave a Reply