Most OFWs I know failed to make it in retirement because they lack financial independence. Wala silang naipon dahil yung mga kinita nila sa loob ng maraming taon ay naubos ng pamilya. Ok naman sana kung talaga kelangan dahil sa sakit or pagpapagamot or pagpapaaral ng mga anak. Pero kung ito napunta lang sa kapritsu, eto ang talakayin natin.
This is the first and greatest commandment. And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’ Matthew 22:39
Many OFWs forget themselves because of love to others. Nakalimot na sa kanilang obligasyon sa kanilang sarili. Kaya most of the time, when an OFW retires (will then be called an ex-ofw), nagkakaroon ng bitterness dahil si OFW hindi nakaipon at ang kanilang pamilya wala din naipon. Lahat sila mga purdoy at nakanganga na ngayon sa kawalan.
This is a sad turn of event – dating malakas ang kita, pero hindi namalayan ni OFW na tumanda na siya at lipas na sa panahon, kelangan na nilang mamahinga at mag retire. Hindi naman kase habang buhay nasa abroad eh. One piece of advise: an OFW while looking the welfare of others, must NOT forget herself too.
No one is responsible for yourself, except yourself alone.
Ang magandang gawin ay huwag ipadala lahat ang kinikita sa Pinas. Kelangan mag “subi” para sa kinabukasan at sa retirement. Alam nyo yung larong “sungka” noong araw. Sa larong ito ay natuturuan tayong mag subi sa bahay. Hindi ubos-ubos biyaya bukas nakatunganga.
the ants are not a strong species, yet they store up their food in the summer;
Ang buhay OFW habang nasa abroad ay tinataguriang “summer” dahil malakas kumita. But after the summer is rainy season, where all work must stop ‘metaphorically speaking’. Yong kanta na: “tatanda at lilipas din ako…” sa pagtanda ni OFW, lipas na sa panahon, may naipundar ba? May naipon ba o wala? Hindi mo ngayon pwedeng iasa sa mga anak mo ang pagtanda mo sa buhay. Mabuti sana kung ok sa pamilya mo na alagaan ka, paano kung hindi? Iba na ang takbo ng panahon. Habang OFW ka ngayon, may panahon pa para mag-pundar, mag-invest, mag-ipon para sa sarili.
Categories: Uncategorized