Marami sa mga OFWs puro trabaho na lang ang inaasikaso, na halos lahat ng part-time, overtime, sideline ay ginagawa na parang ang dami-daming pangangailangan sa buhay. Dati naman sa Pilipinas, ang P5,000 per month napapagkasya, pero ngayon kahit P50,000 na ang padala kulang pa. Hindi kelan man magiging sapat ang pera dahil marami ang nakanganga at naghihintay ng padala. Kaya pag nawala na si OFW, grabe ang iyak ng mga ‘beneficiaries’ kase wala na silang sustento buwan-buwan. At ang mas malungkot, wala silang naipon at naipundar kase most of the time napunta lang sa pagmamagara at pagbili ng mga bagay na walang saysay.
Paalis pa lang si Ate OFW, ang bilin agad: “ate tawag ka agad ha. Don’t forget, size 6 ang paa ko.” Minsan mauunawaan mo din naman talaga na maraming naghirap noon, at hindi masama na paminsan-minsan ay makatikim sila ng ginhawa sa buhay. Pero dapat minsan lang dahil kapag masyadong nagging reliant na ang mga tao, at biglang nawala ang sustento, yari ka ngayon. Ikaw pa ang may utang sa kanila! Kaya sabi ko nga sa kanila, dapat ang selfie hindi lang yung mga tourist spots, dapat pati yung pamamalantsa mo, paglilinis ng kubeta, paghuhugas ng pwet ng matatanda, paglalakad ng aso, dapat yan ang makita nila sa Pinas baka akala nila, nagpapasarap ka lang sa abroad eh, hindi nila na ‘fake’ at pakitang-tao lang ang mga nakikita nila sa social media. Pero ang totoo minsan, hindi nila alam may sakit ka, may problema ka at hirap na hirap na ang kalooban mo. Nagpe pretend na nakangiti pero umiiyak mag-isa at walang nakakaalam. Di ka man lang nila makumusta dahil ang tanong: “kelan ka magpapadala ng pera.”
To many talks na ginagawa ko, I always advise OFWs na maging “farmers”. Dapat marunong magtanim. Pero ang pagtatanim ay may purpose. Hindi yung katatanim mo lang kanina, agad titingnan mo kung may tubo na agad mamaya. Hindi ganoon. Ang pagtatanim ay dapat naghihintay ng tamang panahon ng pag-ani. May mga seasons kase yan sa agriculture. Dapat alam natin ang bawat seasons. Tapusin mo yong season na yon. Makikita mo sa Nueva Ecija, sabay-sabay nagtatanim ang buong bayan at sabay-sabay ding nag-aani. May panahon kase yan.
Kaya nga, sa mga banks kapag ikaw ay nag time-deposit also known as “TD”, sasabihin sa yo ng Accounts Manager, “Ma’am, 5 years po ito dapat nakalagak sa bangko. Di pwedeng mai pre-terminate otherwise yung kita po ay ibabawas pa sa principal amount ninyo.” Ganoon din dapat sa buhay natin, dapat marunong tayong magtanim. Oo, hindi biro ang pagtatanim pero ito lang ang alam kong paraan para maprotektahan natin ang atin halaga ng ating pera. Kung ang P1 noon ang dami na nabibili (kahit nga bentisingko noon, may icecandy na ako eh), pero subukan mong ibigay yan sa mga bata sa pasko, makikita mo baka ibato pa iyon sa iyo. I am trying to say that P1 noon, wala ng halaga ngayon.Ibig sabihin nawawala ang halaga ng pera due to inflation. At kung hindi mo itatanim ang pera mo ngayon, balang araw, wala kang aasahang tubo or ani kase wala ka naman itinanim.
I rather plant the seed now when I have something to plant, rather than maging kawawa ako later on. I advise that you begin a habit of planting. The Bible is clear: “when you plant a seed, you expect for a harvest.” Totoo ang kasabihan: “ang nagtanim sa pag-iyak, ay mag-aani ng may galak.”
Planting for today, harvest for tomorrow.
Categories: Uncategorized
When I chat with my family I always remind them of being good stewards, kaya talaga Kailangan alam nila yung totoo, salamat pastor for always sharing your thoughts through your blogs.