There are many people and particularly OFWs who later revenge their habit of being too much generous that in the end they end up hating their family together.
Bakit? Sa sobrang dami nilang naipadala na, wala pa ring naipon. Kahit gaano kalaki ang maipadala mo, laging kulang ang pera. Ang mahirap kase yung namihasa or nawili na sila sa Pilipinas na tumatanggap na lang ng mga remittances or money transfer na hindi na din sila natutong magbanat ng buto. Tama ang research ng isang sikat na university sa Pilipinas na ang mga OFWs din pala ang dapat sisihin dahil sila ang nagturo sa mga pamilya nilang maging parang linta or parasites. Hindi ako ang may sabi nyan!
There was a saying: “Give a man a fish and he will live for a day. Teach him how to fish and he will live for many years to come”.
If you want to have a better life ahead while you are in the peak of your earnings, o maganda pa ang pagkita, huwag maging sobrang palabigay na hindi na rin natuto ang ating mga pamilya na maging responsible sa kanilang mga sarili. Kase ang buhay ay parang isang makina: oo gumagana yan ngayon pero one day, babagsak yan, masisira at hihinto. Ganyan din ang ating mga katawan. Kahit anong lakas mo ngayon, tandaan mo na hindi yan forever. Mag-ipon ka rin para sa sarili mo at sa iyong pagtanda. No one is responsible for your future but yourself. Ikaw din lang naman ang dapat mag-isip para sa kinabukasan mo.
Kung may mga anak ka na pwedeng mag-alaga sa iyo, ok yan. Pero tandaan mo, ang mga anak mo ay pwedeng magbago dahil nagkaroon ng asawa na hindi ka gusto because of many reasons. Iba na ang panahon ngayon. Buti sana kung aalagaan ka nila pagtanda mo, paano kung hindi? Ang panahon ngayon ay hindi na gaya ng dati. Hindi mo pwedeng iasa ang iyong pagtanda sa iba kahit na sa anak mo. You are responsible for your life.
Kaya tama ang ginagawa ng iba na sa halip pera palagi ang pinapadala, tinuruan nilang mag-ipon ang kanilang pamilya para makaadhika ng isang negosyo, a small business or kahit isang tricycle or isang lugawan, or sari-sari store. This is how we teach our family that they stop being financially dependent but the opportunity to stand for themselves. Sooner, all of you will be in a better position financially and mentally dahil lahat kayo ay independent sa isa’t-isa.
Categories: Uncategorized