Uncategorized

Maling Desisyon

A wrong decision creates your pain. A right one removes it. – Mike Murdoch.

Marami tao ang gusto mag succeed, pero kulang sa ‘gasolina’ para makarating sa final destination. Kaya uso sa mga Pinoy ang ‘ningas-kugon’ mentality. Magaling sa simula, pero walang stamina and tenacity to keep on. Gusto agad big time, gusto agad blockbuster.

Tama ang sabi ni Chinese Billionaire, Jack Ma na ang pinakamahirap i-convince na mag succeed ay ang mga mahihirap dahil ayaw nila ng small time business kase mahina daw ang kita. Ayaw magsimula dahil wala daw experience. Ayaw din ng big business kase malaki daw ang kapital. They remain poor because they keep listening to those people who also poor.

Ang pagkakaroon ng isang matibay na desisyon at paninindigan sa buhay ay napakahalaga sa buhay ng tao. Kung ang ating desisyon ay palaging nakasalalay sa mga maling payo ng iba, we could be misguided and be misled hence we miss golden opportunities. You could hold on to the Jeremiah 29:11 na may magandang plano ang Diyos, but if we choose to take the wrong way, it may be impossible for you to achieve what God has set for you. Look at what happened to Moses. He was designed to lead the Israelites to the Promised Land. But because of his attitude, God changed mind and told him, he will no longer enter the Promised Land. Inalis ng Lord sa kanya ang kakayahan i-enjoy ang dapat sana ay para sa kanya.

God’s blessings are always conditional. Pag sumunod daw tayo at nakinig sa kanyang mga utos, pagpapalain tayo at sasagana tayo. Pero kung tayo ay naging matigas ang ulo, tayo daw ay susumpain at mamamatay.

But people are destroyed due to lack of knowledge. Dahil kulang sa karunungan, mali ang mga desisyon. I am not referring to educational achievements here. Dahil maraming mga nakapag-aral sa college pero failure sa buhay. They are literate but not learned. Malaki ang pagkakaiba nyan. Parang marunong ka ng 1 + 1, pero hindi mo alam i-apply sa buhay para mag succeed ka.

Your decisions today will define your success tomorrow. Mahalaga na ang ating decisions ay tama because having one wrong decision could create a destructive result to a person for the rest of his life.

A great accomplishment always comes with the right decision.

Categories: Uncategorized

Leave a Reply