Site icon Pinoy UK

To Live Happy, Lower Your Expectations

The easiest way to maintain peace and happiness in life is to live without expecting to always be the best. I am not saying for you not to pursue greatness but I am referring to those that live a stressful life just to become number 1. Gusto palagi nila sikat sila, pinupuri sila at hinahangaan. Para saan ba yan? Mahirap mabuhay ng ganyan na palaging hinahabol mo ang hininga dahil kelangan maging number 1 tayo. Learn to relax kahit number 2 or 3 or 4, kung iyon talaga ang kaya mo at na-abot mo, at least walang pressure sa iyo. Hindi masakit sa ulo dahil wala ka kelangan palagi ingatang status na dapat lagi kang nasa una. Kung number 2 ka or 3, mas relax ang buhay unless talagang natural lang sa iyo na palaging number 1.

Tingnan mo ang Pepsi Cola, hindi sila kelanman nag hangad unahan ang Coca Cola. Number 2 lang ang gusto ng Pepsi pero may other businesses ang Pepsi dahil hawak din nila ang maraming negosyo. PepsiCo also owns brands such as Quaker Oatmeal, Cheetos, and Tropicana. Their 2016 revenue was $62.8 billion US dollars while Coca Cola had $41.9 US billion dollars lang.

In engineering, they say that lightning always strikes the tallest object. Mas madalas na tamaan ng kidlat yong matataas na gusali. Maraming mga naging binibining kamatis na naging kaakit-akit lang naman sa mga matatandang, mayaman, madaling mamatay. Yong mga super taas na bahay sa isang baryo, marami ng kapitbahay ang naiingit. Ok din naman na magkaroon ng magagandang bagay sa buhay pero bumagay, makisama at huwag mabuhay sa stress para lang makapag yabang at makapag malaki or para makita ang iba na nasa baba at sila lang ang nasa itaas.

“When someone invites you to a wedding feast, do not take the place of honor, for a person more distinguished than you may have been invited.” Luke 14:8

Mas maganda na yong simple ka lang at hindi sobrang taas ang tingin sa sarili na halos iniwanan ka na ng mga kaibigan mo at mahal mo sa buhay dahil masyadong mata-pobre ka or feeling nila nag-iba ka.

Mapapansin mo ang mga agila, nag-iisa sila lumipad dahil sobrang taas ng lipad nila. Pero tingnan mo yong mga maya, pag lumipad yan sama-sama sila, at masaya sila dahil mababa lang at tama lang ang lipad nila. Kaya kung gusto mong mapayapa ang buhay mo, ibaba mo ng konte ang expectations mo. Kung natural talaga na payamanin ka ng Diyos, at wala kang natatapakan ibang tao, or natural ang gifted talaga ang galing at talino mo, go ahead. Pero kung ito ang magiging dahilan mo para masira ang bait mo, huwag na lang.

Maganda sa tao yong simple lang mamuhay para hindi ka pinag-iisipan ng masama ng kapwa. Kung galing ka abroad, wag ka na mag suot ng damit na puro flags na bansa pinangalingan mo. Kung galing ka ng US or English-speaking country, iwasan mag English na masyado para lang malaman na magaling ka sa grammar at pronunciation. Ang isang Kristyano ay dapat hindi lang mahal ng Diyos, kundi dapat pati tao mahal tayo, like tayo, hangga’t maari.

Carefully consider what is right in the eyes of everybody. If it is possible on your part, live at peace with everyone. Romans 12:18

Si Hesus minsan mapapansin mo ayaw nya pasabi sa mga pinagaling nya na huwag ng malaman ng iba na gumaling sila. Alam mo kung bakit? Dahil ayaw ni Hesus na masyadong maging sikat Siya dahil hindi na Niya magawa ang dapat nyang gawin dahil marami ng sumusunod sa Kanya. Ganoon din tayo dapat, iwasan ma stress sa ngalang ng katanyagan na wala naman maidudulot na mabuti.

Exit mobile version