Site icon Pinoy UK

The Blessing of Contentment

True contentment is not having everything, but in being satisfied with everything you have. – Oscar Wilde

Maraming problema ang tao na man-made. Hindi naman malaking problema pero pinalalaki. Minsan sa buhay mas maganda na yong simple na maganda din naman kesa sa super bongga pero super stress ka din. For example, may darating na okasyon, kung ang magiging dahilan ng iyong problema ay dahil kelangan mong mangutang para makapaghanda ng super dami, magsaing ka ng lang isda at talbos ng kamote, na masaya kayo lahat, stress-free ka. Walang sakit sa ulo.

One of the most incredible statements in the Bible is Paul’s, “I have learned the secret of being content in any and every situation” (Philippians 4:12). He continued, “I can do everything through him who gives me strength” (Philippians 4:13).

Gawin mo lang ang mga bagay na kaya mo. Hindi naman ibig sabihin ay wag mo ng gawin ang lahat para ma-improve but try to do it without the need to compromise your well-being. Minimise your pain by minimising your needless desires. Maximise your pleasure by enjoying what you already have. Yan ang blessing ng true contentment: in not having everything, but by being happy and satisfied with everything you have. Again, hindi ibig sabihin na wag ka na mangarap. No, not at all. Maganda talaga may mga ambisyon ka, but not to the extent na kelangan mong mandaya, mang-api at gumawa ng masama dahil lang sa kagustuhan mo, or dahil lang sa hindi mo naa-achieve ang goals mo.

I heard a celebrity who said that “money can buy happiness but it cannot buy contentment.” I agree on this paradigm na hindi natin kelangan ng maraming pera para lumigaya. What we need is to be contented to be happy. That for me is a blessing of contentment. Yung kahit konte lang ang meron ka, pero masaya ka, talo mo pa ang mga super-rich na may mga karangyaan pero magulo at masalimuot ang buhay. Marami, hindi naman lahat, na nagpapakita ng mga magaganda sa social media ay hindi talagang masaya sila. Ang iba ay mga nagpapanggap na nakangiti pero malungkot talaga buhay nila. Nagkukunwari para itago ang kanilang totoong nararanasan.

For me, contentment can become your greatest wealth. Pag masaya ka sa meron ka, hindi ka maiingit kung anong meron ang iba. Of course, hindi ko sinabi wag ka magsikap but each of us are given talents and skills by our Creator. Do not become someone you’re not. Kung ano ka, tanggapin mo na. Kung ikaw ay 4” 11” lang, wag ka na mangarap maging Miss Universe dahil hindi ka para doon, may height limits sila. But in your own little way, be beautiful, be the best of who God created you to be. Be contented to what you are made of. Kung pango ang ilong mo, be proud, dahil hindi naman lahat ng may pointed nose ay maganda at cute.

The best way to enjoy life is to please God. Iwasan ang sobrang drama sa buhay. Is it worth it na magkaroon ka ng sobrang dami, kumita ng sobrang laki, kinuha mo lahat ng lupa at mana ng mga kapatid mo, pero alam mo na maraming galit sa iyo at gusto ka nilang sirain at saktan or patayin. Hindi masaya ang Lord na tayo ay mapanglamang sa kapwa. Dahil babawiin din yan sa atin sa ibang paraan.

Pag kuntento ka at masaya ka sa anumang meron ka, relax ang buhay mo lagi at hindi mo kelangan makipag compete sa iba. Contentment is not always the fulfilment of what you want in life but by knowing that you are blessed for what you already have.

Exit mobile version